Wednesday, November 3, 2010

BUHAY NG MAY LOVELIFE.

Kapag may lovelife ka, lalo na kung seryoso yang lovelife mo. May mga bagay na hindi ka maiiwasang mangyari, kahit hindi mo gustuhin, eh nangyayari.

(Before I start, hindi nga pala matatawag na lovelife yan kung pareho lang kayong naglalandian. Lovelife = Commitment)

Kapag may lovelife ka..

  1. Una, nagiging dakilang tanga ka. Nagbubulag bulagan ka sa mga nakikita mong mali sakanya o jan sa relasyon nyong dalawa.
  2. Pangalawa, nagiging manhid ka. Dahil nga mahal mo sya, nagagawa mo nalang yung mga bagay bagay na.. kahit masakit sige ka parin.
  3. Pangatlo, nagiging bulag ka. Kahit na alam mong madami ng naapektuhan sa relasyon nyong dalawa gumogora ka parin at sa paningin mo hindi sila mahalaga.
  4. Pangapat, nagiging bingi ka. Hindi mo pinapakinggan o papakinggan ang mga payo ng mga mahahalagang tao sa buhay mo. Ang tanging pinapagana mo, puso at hindi ang yong utak.
  5. At ang pinakahuli sa lahat, nagiging pipi ka. Kahit na may gusto kang sabihin o ipasabi sa iba tungkol sa mali ng lovelife mo, mas pipillin mong manahimik nalang at iiyak yan.

Alam nyo, may mga bagay talaga na nagagawa natin kapag umiibig tayo. Wag nyong sisihin ang sarili nyo kung bakit kayo nagkakaganyan. Parte yan ng nagmamahal, ang mag tanga-tangahan. Naiintindihan namin kayo na sarado ang utak nyo sa sinasabi ng iba.

Bata pa naman tayo para makahanap ng totoong magmamahalsatin, kaya wag madaliin. Malay natin, may mas taong magmamahal satin pagdating ng tamang oras.. at tamang panahon.

(via James)

No comments:

Post a Comment