Thursday, January 6, 2011

Dahil inaantok ako kanina at ayaw kong matulog sa jeep. Ito ang napala. Kahapon to. January 05, 2011. First post for this year.

"Eric, crush ka ni ---."

Narinig ko kanina sinabi nung bata, sigura nasa limang taon na yun. Nakakatawang isipin, nung preschool ka pa lahat pwede mong isipin kasi maiintindihan ka nila bata ka eh. Pag dating ng elementary, nadadagadagan na mga gawain mo, mga limitasyon, hindi na pwedeng iiyak ka kung ayaw mo gumawa ng assignment. Hindi na pwedeng puro paglalaro ang gagawin. Nagkakaron ka na ng responsibilidad. Naalala ko nga nun eh, naging secretary ako ng GSSC o grade school student council. Ang kalaban ko pa nun si Mabel, isa sa malalapit kong kaibigan. Nagkaron na ng mga dapat akuing proyekto. Nung elementary ka, parang ito na yung last part ng pagiging super bata mo, super baet, ni "tanga" nga hindi namin masabi sa klase at wala talagang kopyahan. Dumating ang high school, mas dumami ang mga dapat mong isipin, projects, exams, friends at love life. Naalala ko pa nun first day, ako lang hindi naka uniform, ang outcast ko nga nun eh sanay kasi ko sa msmsi ganun kasi dun. Tapos first day na first day nun, narinig kong may nagmura PI sobrang lutong. Natawa na lang ako eh. Hahaha. Sa highschool, masasabi kong pinakamasaya talagang part ng buhay. Dyan mo makikilala mga taong tutulong sa pagkilala mo sa sarili mo, dyan mo mahahanap mga tunay mong kaibigan na hindi ka iiwan anuman mangyari, dyan ko nakilala pinakabestfriend ko, si Keena. Sa highschool ka rin lubusang masasaktan hndi dahil sa paglalaro, nadapa ka, kundi sa pag-ibig, based on experience yan! Hahaha. Somehow malalaman mo kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay. Mararanasan mo lahat, umiyak, tumawa, masktan, makipag-away, maloko, manloko, manakit, umibig. Define lahat. Ang lovelife sa highschool, sa nakikita ko ngayon madami hindi seryoso lalo na kung first to third. Mahaba pa kasi panahon. Bilang lang ung matibay talaga. Yung iba hindi ganun sineseryoso kasi nga raw pagkagraduate maghiwahiwalay rin. Mahirap nga ktng nahanap mo na talaga yung gusto mo para sayo nung highschool tapos mapkahiwalay kayo sa college. Hindi na kasi yun ang dapat i-priority, opinion ko lang naman yun. Hindi na kasi katulad to nung highschool, hindi ganun kabigat mga responsibilidad ikumpara mo ngayong college. Kaya ang hirap alagaan lalo na't malayo kayo sa isa't isa. Hanga ako dun sa matagal na sa kanilang relasyon. Hands down grabe! Naisip ko lang na, wala pala. Gusto kong pumasa ng 17. Maeexempt ako you'll see! Pagpray nyo ko :)

No comments:

Post a Comment