Nakikita mo na sila nung una pa lang. Nasubaybayan mo kahit papano ang storya nila. Nakikita mo tuwing uwian magkasabay sila. Hanggang sa ngayon. Isang taon na ang lumipas simula noong una mo silang nakitang magkasama. Hindi ba't nakakatuwa yun? Hanggang ngayon sila pa rin yung magkasama. Hindi ka nga lang sigurado kung hanggang ngayong kolehiyo ay magkapareho sila ng paaralan. Nakikita mo silang sabay pagkaumuuwi, kahit matagal ang "Calamba Bayan" na dyip, naghihintay pa rin ang isa para lang makasabay. Kahit na hindi mo sila nakikitang nagpapakita ng apeksyon sa isa't isa, makikita naman sa tingin, kung paano kausapin ng bawat isa na may nararamdaman sila sa isa't isa. Nakakatuwa lang silang panuorin.
Itong isa naman, mga magtatlong buwan mo na alam ang istorya nila. Kung pano sila nag-umpisa. Hindi mo nga lang alam ang kwento ng babae ngunit sa pagkwento pa lang ng lalake, eh makikita mo ng totoo ang nararamdaman nila. Lalo na sa mga pagkwento niya, makikita mo bawat ngiti sa puso, na para bang habang kinekwento niya eh nangyayari uli. Mayroon din namang mga konkretong ibedensya. Makikita mo sila parating magkasama, magkahawak kamay, malalaman mo agad na sila'y mayroong relasyon. Hindi sila yung magkahawak kamay na nakakailang, kung baga ba'y masagwa. Hindi sila ganoon. Kung makikila mo rin yung lalake, may mga pagkakataong hahangarin mo ring ganoon ang magugustuhan mo.
Para sayo, ang pagakaiba ng dalawang magkarelasyon na ito kaysa sa iba eh ramdam mo na totoo ang pag-iibigan nila. Hindi lang para may masabi lang na "kami".
Kasama na rin dito siyempre ang inggit, na sana kasama mo siya. Kasabay kung pumasok o umuwi. Kahit ba isang oras lang bawat araw mo siyang makasama eh ayos na. Kahit hindi parati, kahit hindi buong araw dahil may sari-sarili rin naman kayong buhay. Basta makasama lang kahit sandali, ayos na.
Masuswerto kayo, mga taong malimit nakakasama ang mahal nila. Mas madali ninyong mapapakita ang kahalagahan niya sa inyo. Kaya wag niyong sasayangin ang bawat oras na makakasama niyo, gawin niyong makabuluhan. Pero huwag sumuko yung mga malalayo ang minamahal, may mga bagay pa ring pwedeng magawa kahit magkalayo kayo.
Ipakita niyo ang kahalagahan niya :)
No comments:
Post a Comment