Monday, March 7, 2011

Umusad na ko sa wakas!

Isang paragraph na lang tapos na ko. Maliligo na rin ako pagkatapos ko. Pupunta pa kasi akong elbi. Mayroon kaming meeting tungkol sa huling proyekto namin sa Hum2. Akalin mo yun? 80 points yun! 240 ang kailangan naming makuha lahat lahat para makapasa. Imba!


^ Natawa lang talaga ko dito.

Mag aaral ako sa Trigo pag-uwi ko. Mag-aaral ako. Mag-aaral ako. Kailangan ko ma-exempt. Ples. Pagpray niyo din ako ha. Solomot.

Minessage ako ni Nicole nung isang araw sa pesbuk. Kiligs naman ako! ♥ Natuwa ako kasi kahit papano tinatry niya maging close pa rin samin, magparamdam. Hindi kasi kami okay ni A. Mayroon kaming tampuhan. Kami nila L at A. Nakakalungkot kasi yung nangyayari. Okay lang naman samin eh. Masaya siya. Nahihirapan daw siya. Nahihihrapan ka pala eh, eh bakit pag sila kinakausap mo? Hindi? Isang reply lang naman kailangan namin eh. Isa lang. Alam mo yung effort na nasasayang? Yung amin yun eh. Oo nga, sabihin na nating may sarisarili na tayong mundo. Yung minsan ba magparamdam yun lang naman hinihingi namain eh, mahirap ba yun? Lagi ka nga nagffacebook eh, nakikita mo yung message/wall posts namin, isang reply lang, wala pang 5 minuto yun. Ipagkakait mo pa namin? Gusto lang naman namin magstay yung friendship. Wala ba tayong pinagsamahan? Namimiss ka lang din namin, yun lang.

Napansin ko lang, yung mga title ng post ko, mostly irrelevant sa nilalaman. Otis ko talaga!

No comments:

Post a Comment